“Ayusin Natin ang Pilipinas” Rally sa Toril, Davao City: Isang panawagan para sa tunay na pagbabago

“Ayusin Natin ang Pilipinas” Rally sa Toril, Davao City: Isang panawagan para sa tunay na pagbabago

Brgy. Binugao, Toril, Davao City, April 30, 2025 — Isang makabuluhang pagtitipon ang ginanap sa Barangay Binugao, Toril, Davao City, kung saan libu-libong mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagsama-sama para suportahan ang “Ayusin Natin ang Pilipinas” rally sa pangunguna ng PDP-Laban at senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ang rally ay naging plataporma upang mailahad sa publiko ang mga pangunahing plano at programa ng PDP-Laban na layuning tugunan ang matagal nang suliranin ng bansa—kabilang na ang paglaban sa korupsyon, pag-angat ng ekonomiya, pagpapabuti ng serbisyo publiko, at ang matapang na adhikaing gawing first world country ang Pilipinas.

“Ito ay hindi lamang kampanya, kundi isang kilusan para sa tunay na pagbabago,” ani Pastor Quiboloy sa kanyang talumpati. “Panahon na upang sama-sama nating ayusin ang Pilipinas, para sa kinabukasan ng bawat Pilipino.”

Damang-dama ang pagkakaisa sa lugar habang nagkakaisa ang mga dumalo sa panawagang pagbangon at reporma. Mula sa mga kabataan, manggagawa, guro, magsasaka, hanggang sa mga negosyante, naging isa ang kanilang tinig sa pagsuporta sa adbokasiya ng PDP-Laban.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble