Babaeng Air Force veteran, binaril-patay sa kalagitnaan ng protesta sa US Capitol

BINARIL-patay ang ang isang babaeng Air Force veteran habang ilang opisyal naman ang nasugatan sa pagsugod ng mga pro-Trump protester sa gusali ng US Capitol.

Kinilala ang biktima na si Ashli Babbit, 14-taong nanungkulan sa Air Force, na naninirahan sa San Diego, California.

Nangyari ang pagbaril sa kasagsagan ng mainit na protesta sa loob at labas ng gusali ng Capitol habang binibilang ng Congress ang Electoral College votes.

Wala pang inilabas na detalye ang D.C. police sa nangyaring pagbaril at hindi pa nakilala ang salarin.

Ayon sa ulat, nakuhanan sa video sa isang Twitter post ang sandaling pagkabaril kay Babbit habang nakatayo ito sa daanan papasok sa loob ng Capitol ngunit hindi nahagip sa video ang taong bumaril dito.

Naglabas naman ng pahayag ang mother-in-law ni Babbit at hindi aniya akalain na lalahok ang biktima sa nasabing protesta.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.