MASYADONG nasaktan maging ang pamilya ng isang enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kasunod ng ginawang pananakit ng babaeng nahuli dahil sa ginawang paglabag nito sa traffic rules.
Nag-viral ang video ang babaeng na nanakit ng isang traffic enforcer na si Marcos Anzures.
Sa kuwento ni Anzures habang nag mo-monitor siya sa kanyang mga tauhan sa area ng Osmeña nakita niya ang sasakyan na lumabag kung saan ay nag-beating the red light ito sa San Andres Osmeña sa lungsod ng Maynila.
Pero dahil ayaw huminto ng sasakyan ay hinabol ito ni Anzures gamit ang kanyang motor at naabutan niya ito sa Estrada Osmeña kung saan pinatabi niya ang sasakyan.
Hinanapan niya ng driver’s license ang babae pero wala daw syang maipakita kundi ang photo copy lamang ng kanyang driver license.
Dahil ayaw ibigay ng babae ang rehistro ng sasakyan, di nagtagal habang dumadaan ang mobile ng PNP ay agad itong humingi ng tulong upang makumbinse ang babae na ibigay ang rehistro.
Nakuha ng pulis ang rehistro at ibinigay ito sa traffic enforcer pero dahil nagmamadali na ang pulis at kailangan nang umalis iniwanan na niya si Anzures.
Ayon naman kay Special Mayor’s Reaction Team (SMART) Lt. Col. Jhun Ibay, na i-turn over na sa City Prosecutor’s Office ang kaso ng suspek.
Ayon pa kay Col. Ibay, sa nakuhang ID sa kanya ay dalawa pala ang pangalan na ginagamit ng babae.
Sa kanyang PhilHealth ID, Pauline May Salamero Altamirano ang pangalan na gamit niya habang Maria Sy Hola naman sa ID ng BIR.
Bukod sa naturang kaso ay posible ring kasuhan ang suspek ng falsification at perjury.
Hindi rin daw pag-aari ng suspek ang sasakyan dahilan nito para magwala siya sa traffic enforcer.
Ginamit lang aniya ito ng suspek na hindi pinagpaalam sa may-ari.
Personal ding may nagmensahe kay Ibay hinggil sa nawawalang driver license ng suspek at pinaghihinalaang ang suspek na isang ring scammer.
Ikinatuwa naman ni Mayor Francisco Isko Moreno ang ipinakitang paninindigan ng traffic enforcer.
Samantala, itutuloy ang kaso ng law enforcer sa suspek at wala itong plano na patawarin ang babae.