ARESTADO ang mga kasamahan ni Pauline Mae Salamero, ang babaeng nanapak at nambugbog ng traffic enforcer sa Maynila kahapon.
(BASAHIN: Babaeng nanakit ng traffic enforcer sa Maynila, nahaharap sa patong-patong na kaso)
Nahuli ang mga suspek matapos ang isinagawang entrapment operation ng MPD Special Mayor’s Reaction Team at MPD Drug Enforcement Unit.
Hindi alam ng mga kasamahan ni Pauline na may nakaabang na mga operations para sa entrapment ops habang ka-text nito gamit ang cellphone ni Salamero.
Kinila ng otoridad ang mga suspek na sina Rendor Esqueta, 30, Leopoldo Melliza, 20, Jason Soriano, 29, Marlon Acueza, 29 na parehong taga-Calamba, Laguna.
Agad na dadalhin sa MPD ang mga suspek para sa karagdagang imbestigasyon.