Babaeng sangkot sa bentahan ng party drugs na Ecstasy, inaresto ng PDEA

Babaeng sangkot sa bentahan ng party drugs na Ecstasy, inaresto ng PDEA

INARESTO ang babaeng sangkot sa bentahan ng party drugs ng mga operatiba ng Caraga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Batay sa report, nakarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Rona Bianca Samaco, 24, residente ng Lot 24 PHASE 2 BLOCK 2 Garland Subdivision Tabon 3 Kawit 3 Cavite.

Siya ay naaresto ng General Luna, SDN sa ikinasang buy bust operation nito lang Sabado ng Marso 24, alas-9:55 ng gabi sa Purok 3, Brgy. General Moon, SDN.

Nasamsam sa buy bust ops sa suspek ang tatlong pirasong blue tablet, pitong brown na tableta na hinihinalang ecstasy na nakalagay sa plastic sachet na may halagang P162,000 at iba pang drug pharapenalia kabilang na ang dalawang cellphone, mark money at libong boodle money.

Kasama rin sa kakasuhan ang isang Ramos, Herl Gregorio nasa 43. Nasa high value ng PDEA at nagtatrabaho bilang isang senior manager ng isang telecom sa Makati City.

Sila ay kapwa kinasuhan ng paglabag sa Sections 5, at 11 Art. II ng RA 9164.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble