MAGKAKAROON ng studio album sa Setyembre o Oktubre ang rookie K-pop girl group na BabyMonster.
Ayon ito mismo kay Yang Hyun-Suk ng YG Entertainment.
Mayroon namang pre-release song ang BabyMonster sa buwan ng Hulyo mula sa naturang album.
Noong Abril nang mai-release ng rookie group ang kanilang kauna-unahang self-titled mini album na “BabyMons7er”.
Ang BabyMonster ay nag-debut noong Nobyembre 2023.