Bacolod City, nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng Mpox

Bacolod City, nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng Mpox

KINUMPIRMA ng Bacolod City Health Office ang kauna-unahang kaso ng Monkeypox (Mpox) sa lungsod nitong Hunyo 15.

Ang pasyente na tinamaan ng nasabing sakit ay kasalukuyang nasa stable condition at minomonitor sa isang health facility.

Mahigpit ding nakikipagtulungan ang City Health Office sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital para sa tamang protocol at upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.

Sa ngayon, wala pang specific antiviral treatment para sa Mpox. Ngunit kapag tuluyan nang natuyo ang mga sugat at nakarekober na ang pasyente, maaari na siyang makauwi at bumalik sa normal na gawain.

Payo ng lokal na pamahalaan na manatiling kalmado, ugaliin ang proper hygiene gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, at agad na magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas ng sakit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble