Bacolod, Negros Occidental, nagbigay na ng 20% paunang bayad sa AstraZeneca

NAGBIGAY na ng paunang 20% na bayad ang siyudad ng Bacolod at ang probinsiya ng Negros Occidental para sa kanilang vaccine orders sa AstraZeneca.

Kinumpirma ito ni Mayor Evelio Leonardia at Governor Eugenio Jose Lacson sa magkaibang statement na ginawa nito kasama ang media.

Nagkakahalaga ng P4 million ang ibinayad ng probinsya ng Negros Occidental para sa 100, 000 dosis nito ng bakuna.

P31 million naman mula sa siyudad ng Bacolod para sa 650, 000 dosis na bakuna.

Ang pagbibigay ng advance payment nina Leonardia at Lacson ay magtitiyak na magkakaroon ng vaccine delivery sa kanilang lugar para sa mga residente.

Samantala, nagpapasalamat naman ang lahat ng local government units o LGUs dahil pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 18 ang Presidential Memorandum 51 na siyang nagbibigay permiso sa mga ito na magbigay ng paunang bayad katumbas ng 15% sa halaga ng kanilang vaccine order.

SMNI NEWS