SA panayam kay Mayor Lani Mercado- Revilla, inamin nyang posible ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Ito ang dahilan kung kaya’t ipinangangampanya ni Revilla ang muling striktong pagsunod sa minimum health standards.
“Nararamdaman kong nagre-relax po ang marami sa amin pong mga mamamayan kaya itong pagpasok ho talaga ng Marso, pinakausapan ho natin ang ating mga kapulisan at ating mga barangay officials na mag-manman para at least sinisita yung mga taong naka-facemask nga pero naka-baba naman yung face mask. face shield, ginagawang sun visor, tungkol sa curfew at tsaka sa mga health protocols, yung social distancing natin.”
Samantala, positibo naman ani Mayor Lani ang naging takbo ng vaccination rollout sa kanilang lugar.
Sa ngayon, sa loob ng dalawang araw na vaccination rollout, aabot na sa mahigit tatlong daan ang nabakunahan sa Bacoor at ninanais nito ang 70% ng populasyon na maturukan.