Badoy, hindi nagpapatinag sa mga isinampang kaso sa kanya ng ilang militanteng grupo

Badoy, hindi nagpapatinag sa mga isinampang kaso sa kanya ng ilang militanteng grupo

HINDI nagpapatinag si Presidential Communications Undersecretary at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy sa patong patong na kaso na isinampa ng ilang militanteng grupo laban sa kanya sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y pangre-red-tag at iba pang pagkakasala nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Badoy na ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya at iba pang task force officials ay para sa layong propaganda at makakuha ng atensyon ang mga makakaliwang grupo para sa kanilang kampanya para sa partylist seats.

Sinabi rin ni Badoy na may patong-patong din na kaso ang NTF-ELCAC na nakasampa at nakatakdang isampa laban sa mga makakaliwang grupo kabilang na ang Kabataan, Alliance of Concerned Teachers, Bayan Muna, AnakPawis, at Gabriela.

Iginiit ni Badoy na hindi ito natatakot sa mga kasong nakasampa laban sa kanya at nangakong ibabalik ito sa mga nagsampa ng reklamo sa kanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter