Baggage inspection sa MRT-3, mas pinabilis

Baggage inspection sa MRT-3, mas pinabilis

PINABILIS pa ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pagpapatupad ng segregation sa mga pasahero na sasakay sa MRT-3.

Inihiwalay ng pamunuan ng MRT-3 ang mga pasahero upang mapadali ang inspection.

Hiwalay ang pila ng mga pasaherong may dalang maliit na bag at mga pasaherong may dalang malaking bag na dadaan sa baggage X-ray machines.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagde-deploy ng MRT-3 ng mga security marshals upang gumabay sa mga pasahero sa kanilang pagsakay sa tren.

Gayundin, ipinatutupad ang “7 Commandments” sa loob ng mga tren upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.