NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Baggao Mayor Joan Dulnuan na kamakailan lamang ay hinihingan ng paliwanag ni Gov. Manuel Mamba dahil sa tahasan nitong pagsuway sa ipinatutupad na health protocols.
Kamakailan lang nang mag-viral ang mga larawan ni Mayor Dulnuan na sumasayaw sa mga social gathering na walang suot na facemask na isang paglabag sa Omnibus guidelines sa implementasyon ng community quarantine kaya’t pinagpapaliwanag ito ni Mamba.
At batay sa ulat ay lumabas na ang resulta ng RT-PCR test ni Dulnuan kung saan nagpositibo ito sa sakit na COVID-19.
Nitong katapusan ng buwan ng Mayo naitala sa bayan ng Baggao ang 212 bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 matapos maerehistro ang 29 panibagong kaso sa lugar.
Sa ngayon, umabot na sa 200 ang panibagong kaso sa buong lalawigan at 5 ang binawian ng buhay ayon sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit o PESU.
Ang mga sumusunod ang lugar na nakapagtala ng panibagong kaso sa probinsya.
Sa huling datos pumalo na sa 1,921 ang aktibong kaso sa buong lalawigan habang 268 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.
Samantala, suportado naman ni Mamba ang pagpapalawig ni Pangulong Duterte sa ilalim ng MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine sa lalawigan ng Cagayan sa isang deklarasyon nito kahapon sa kanyang meeting kasama ang Inter-Agency Task Force against COVID-19.
(BASAHIN: Mayor ng Baggao, pinagpapaliwanag sa paglabag nito sa Anti-COVID protocols)