SINIMULAN na ng awtoridad ang bagging operation upang macontain ang mga tagas mula sa MT Princess Empress.
Ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu, nagsimula ang operasyon nitong Lunes ng umaga gamit ang Japanese remotely operated vehicle (ROV).
Ang mga ginamit na customized bag ay nagmula pa sa United Kingdom.
Pero ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor na nakakita na sa Pilipinas ng kompanyang maaaring mag-customize ng nasabing bags kung saan ito ay pumasa sa pagsusuri ng mga Japanese operators ng ROV.
Matatandaan na batay sa report ng PCG nakitaan ng 23 bitak ang MT Princess Empress.