Baghdad, Iraq, binulabog ng dalawang suicide bombers

UMABOT na sa 32 ang nasawi habang 110 ang sugatan matapos ang pag-atake ng dalawang suicide bomber sa mataong palengke ng Baghdad, kapital na lungsod ng Iraq.

Ayon sa mga opisyal at state media, nagpunta sa marketplace ang unang bomber kung saan nagpanggap ito na may sakit at nangangailangan ng tulong bago nito pinasabog ang sarili.

Sa ilang sandali lamang din ay sumunod na pinasabog ng isa pang suicide bomber ang sarili nito sa parehong lugar.

Kaugnay nito, nakikiramay naman ang US Embassy sa pamilya ng mga biktima, umaasa ito sa mabilis na recovery ng mga sugatan.

Samantala, nagsagawa naman ng emergency meeting si Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi kasama ang top security officers sa Baghdad Operations Command Headquarters.

Sa kabilang banda, ito ang pinakaunang pagkakataon na nagkaroon ng suicide attack sa Baghdad makalipas ang halos dalawang taon.

SMNI NEWS