Bagitong pulis sa Caloocan, timbog sa buy-bust operation ng PNP; P3.4-M na halaga ng iligal na droga, nasamsam

Bagitong pulis sa Caloocan, timbog sa buy-bust operation ng PNP; P3.4-M na halaga ng iligal na droga, nasamsam

TIMBOG ang isang bagitong pulis sa Caloocan sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Northern Police District.

Nangyari ang buy-bust operation sa harapan ng Puregold Zabarte corner Zabarte Road at Camarin Road, Barangay 172, Caloocan City, alas 5:00, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na pulis na isang 30-anyos na si Police Corporal Mark Jefferson Lopez.

Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong nakataling plastic bag na may laman ng hinihinalang shabu na may timbang na hindi bababa sa kalahating kilo o katumbas ng P3.4 milyon.

Mga nakumpiskang ebidensya:

  1. Three (3) knot tied transparent plastic bag each containing white crystalline substance;
  2. Several bundles of fake money with one genuine Php 1,000 Peso Bill on top with serial No HK697562.
  3. One (1) Cal. 45 with serial No. 581832;
  4. One (1) Pistol Magazine;
  5. Seven (7) pieces Cal. 45 live ammunition;
  6. One (1) Caloocan City Vaccination Card;
  7. One (1) unit of Iphone6s mobile phone;

Kasama ni Lopez ang isa pang suspek na kinilalang si John Raster Jaie Muñoz y Lopez, residente ng Bagong Silang Caloocan City.

Sa panayam ng SMNI News kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, ikinagulat mismo ng PNP ang pagkakasangkot ni Lopez matapos na napag-alaman na off-duty pala ang pulis nang masangkot ito sa isinagawang operasyon ng PDEA.

“Base sa ibinigay sa atin na incident report nung kanyang Chief of Police ay lumalabas na itong si Corporal Lopez, ay off-duty noong mga panahon na ‘yun at nagulat nalang sila doon sa ibinigay na report ng PDEA na noong nagsagawa ng buy-bust operation itong PDEA ay nahuli nga kasama iyong sa isa pang suspek itong pulis na involve sa illegal na drugs,” pahayag ni Fajardo.

Mula sa nasabing insidente, agad na ni-relieve sa pwesto ang sub-station commander, assistant sub-station commander at maging ang supervisor ng suspek dahil sa kapabayaan nitong imonitor ang kanilang mga tauhan.

“Dahil sa insidenteng ito, ay ini-relieve ng Chief-of-Police ng Caloocan ang sub-station commander, pati ang kanyang assistant sub-station commander pati na ‘yung kanyang supervisor, team leader for failure to monitor and supervise ito ngang pulis na nahuli na lumalabas na tama po kayo, siya ay off-duty during the time of the incident ay dapat ito nga ay nasa kanyang tahanan at lumalabas na ito pala ay engaged dito sa illegal activity,” ani Fajardo.

Paliwanag ng PNP mula sa bagong administrasyon ng Pambansang Pulisya, hindi nila hahayaan na muling madungisan ang imahe ng kanilang hanay dulot ng iligal na droga o anumang katiwalian.

“Ang atin namang stand diyan from the very start ay hindi natin ito-tolerate ‘yung ganitong pulis at we will apply the full force of the law against sa kanya at maliban sa criminal offenses na isasampa ng PDEA sa kanya for the violation of illegal drugs law ay immediately ay sasampahan natin ito ng administrative complaint o the conduct of unbecoming of a police officer,” dagdag ni Fajardo.

Giit ng ahensiya, nasa mga pulis na ang desisyon ang pumatol sa masasamang gawain gayong hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga benepisyo para sa kanila.

“Walang dahilan para tayo ay ma-involve sa mga iligal na gawain dahil nga itinaas na nga ang ating mga sweldo. So, there is no reason for us to engage in any illegal activities. Be that as it may, kung kayo po ay magtuluy-tuloy at hindi itigil sa inyong mga katiwalian, ang PNP po sa pamamagitan po ng ating bagong liderato na si PGen. Rodolfo Azurin Jr., at sa lahat po ng field commanders ay kanyang ibinigay ang madiin na utos kahapon during the command conference that all PNP leadership down to station commander must exercise their leadership and supervisory. Otherwise, sila rin po ay makakasuhan for under the doctrine of command responsibility,” ani Fajardo.

Tiniyak ng PNP na gugulong ang malalimang imbestigasyon sakaling mayroon pang mga kasabwat ang dalawang suspek at kung gaano na ito katagal na ginagawa ng pulis bukod sa pagiging miyembro ng Pambansang Pulisya.

Follow SMNI News on Twitter