Bagong command center binuksan sa Mapandan, Pangasinan

Bagong command center binuksan sa Mapandan, Pangasinan

PORMAL nang binuksan ang bagong command center sa bayan ng Mapandan, Pangasinan katuwang ang SGLG, ayon kay Mayor Karl Christian Vega.

Ayon kay Mayor Vega, ang pondo para sa proyekto ay mula sa insentibong natanggap ng San Manuel LGU sa ilalim ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa bagong command center, ikokonekta ang mga CCTV ng bawat barangay, na pamamahalaan ng PNP, BFP, at MDRMO upang mapanatili ang seguridad sa bayan.

Maliban dito, pinasinayaan din ang bagong gusali ng Sangguniang Bayan Hall, na maaaring lipatan ng mga opisyal anumang oras.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble