Bagong commandant ng PH Marine Corps, umupo na

Bagong commandant ng PH Marine Corps, umupo na

PORMAL nang umupo si Major General Arturo Rojas bilang ika-36 commandant ng Philippine Marine Corps.

Ginawa ang change of command ceremony sa Bonifacio Naval Station Grandstand sa Taguig City.

Pinalitan ni Rojas si Lieutenant General Charlton Sean Gaerlan na itinalagang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Rojas ang mahalagang papel ng Marines sa pagtiyak ng kapayapaan at seguridad ng bansa, gayundin ang walang takot nilang pagharap sa anumang hamon.

Si Rojas ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Bigkis Lahi” Class of 1990 at nagsilbing commander ng AFP Special Operations Command bago naitalaga sa Marines.

Nakamit ni Rojas ang kaniyang Master of Science in Defense Analysis mula sa US Naval postgraduate school sa California noong 2004 at Master in Public Management Major in Department and Security mula sa Development Academy of the Philippines noong 2011.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter