Natagpuan sa United Kingdom ang bagong variant ng coronavirus na sinasabing may pagkakatulad sa strains na galing ng Brazil at South Africa.
Ang bagong variant na natuklasan sa 16 na bagong kaso ay natuklasan noong Pebrero 15 sa pamamagitan ng genomic sequencing at ngayon ay masusing tinututukan at minomonitor ng mga eksperto.
Ayon sa Public Health England, and new “Variant Under Investigation” ay pansamantalang nilang pinangalanang B1.1.318.
Sinasabing ang spike protein ng nasabing variant ay may tinatawag E484K mutation na matatagpuan din sa variants ng Brazil at South Africa.
Inaalam din ng PHE kung ito ay nagmula mismo sa UK o kung ito ay nakuha o import ito mula sa ibang bansa.
Ang bagong strain ay hindi taglay ang N501Y mutation na katangian ng isang virus upang ito ay mabilis na kumalat.