NANGAKO ang bagong kalihim ng Department of Health (DOH) na bibigyan nito ng mas mabuting kondisyon sa trabaho ang Filipino healthcare workers.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, kailangang bayaran ng tama ang mga nurse sa bansa dahil ito ang pinakamagagaling sa buong mundo dahil sa mga presidente mismo ng ibang bansa ang nagre-request para sa mga Pinoy na nurse.
Aniya, pagsisikapan niyang mabigyan ng mas mataas na sahod ang mga nurse upang mahimok ang mga itong manatili at maglingkod sa Pilipinas.
Bukod dito, inihayag ni Herbosa ang plano nitong pagtrabahuhin ang libu-libong nurse sa DOH na hindi pa nakukuha ang kanilang mga lisensiya.