NAKATAKDANG maglunsad ang Philippine Airlines (PAL) ng panibagong domestic flight mula Cebu.
Simula Marso 1, 2025 ay magkakaroon na ng direct flights ang Cebu papuntang Catarman City, Northern Samar.
Para mai-promote ang bagong domestic flight route ay may inaalok na P698 introductory base fare ngayon ang PAL.
Magiging available ito hanggang Enero 31 para sa mga biyahe simula Marso 1.