Bagong ferry boat, idinagdag sa Pasig River Ferry Service

PINANGUNAHAN ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang turn over ceremony ng isang bagong ferry boat sa Guadalupe Ferry Station sa Makati City.

Ang 50-seater boat ay donasyon ng New San Jose Builders Inc.

Plano naman ni Abalos na doblehin ang bilang ng mga bangka upang tumaas ang kapasidad at maibsan ang oras ng paghihintay ng mga pasahero.

Samantala, kasalukuyang nasa ilalim ng konstruksyon ang tatlong bagong ferry stations sa Quinta Market sa Maynila, Circuit Makati, at sa Kalawaan sa Pasig City.

Ang bagong ferry boat ay karagdagan sa 11 na mga bangka na kasalukuyang nagseserbisyo mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang sa Escolta sa Maynila, at pabalik.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.