Bagong health protocols sa mga dumarating na pasahero sa bansa, ipatutupad na ngayong araw

MULING nagpaalala ang Philippine Airlines sa publiko o sa mga pasahero na epektibo ngayong araw, Pebrero 1 ay ipapatupad na ang  bagong health protocols ng testing at quarantine  sa mga  dumarating na pasahero sa Pilipinas.

Base sa bagong resolution na inilabas ng Inter-Agency Task Force for Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID), ang lahat ng mga dumarating na pasahero partikular na sa mga galing ibang bansa ay sasailalim na sa kanilang RT-PCR testing sa ikaanim na araw ng kanilang pag-quarantine.

Ibig sabihin sa ikaanim na araw ng kanilang quarantine sa hotel facility ay saka lamang ang mga ito sasailalim sa swab testing.

Sa kasalukuyan ang mga pinapayagan lamang na makapasok sa bansa ay ang Filipino citizens, foreign nationals na may long -term visas, diplomats at dignitaries, at sa mga yaong may medical emergency cases, kabilang na ang medical escorts.

Nagpaalala din ang Philippine flag carrier sa mga arriving passengers na sundin lamang ang mga sumusunod na revised arrival at quarantine protocols.

Una bago mag biyahe kailangan munang magparehistro Electronic Case Investigation Form (E-CIF) na kung maaari mas maaga gaya ng tatlong araw bago ang flight patungong Manila.

I-click lamang ang link ng  E-CIF kung ikaw ay isang OFW na land-based o sea-based.

May link din para sa lahat ng non-OFW passengers kabilang na ang returning OFWs, foreign nationals at iba pa na dumarating sa Manila.

Sa panahon din ng check in para sa biyahe ng isang pasahero patungong Manila kailangan lamang ipresenta ang QR code, Affidavit of Undertaking at Traze app.

Kapag ang isang pasahero ay dumating na sa paliparan dapat na punan ang health declaration form, arrival card and Bureau of Customs form.

Pagkatapos makinig sa briefing ng Coast Guard at Philippine Airlines upang alalayin sa mga susunod na hakbang ng mga pasahero.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.