SUPORTADO ng Department of Health (DOH) si Dr. Ted Herbosa bilang bagong kalihim ng kagawaran.
Mula sa pagiging Health Undersecretary at Adviser to the National Task Force Against COVID-19, nagbabalik si Dr. Herbosa sa DOH bilang bagong kalihim ng kagawaran.
Ito’y matapos i-appoint ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. si Dr. Herbosa sa naturang posisyon.
Matatandaan na halos isang taon ding nabakante ang nasabing posisyon at si Usec. Maria Rosario Vergerie ang nagsilbing Officer in Charge (OIC).
Kasunod ng appointment ni Herbosa, nagpaabot naman ng buong suporta si Vergeire.
Makatitiyak aniya ni Herbosa ang buong suporta mula sa buong pamilya ng DOH.
“Maasahan po ng ating bagong kalihim, Secretary Ted, ang taos pusong suporta ng buong DOH family,” ayon kay Usec Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire.
COVID-19 cases ngayong linggo, mas mababa ng 22%
Samantala, nakapagtala ang DOH ng 9,107 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa mula Mayo 29 – Hunyo 4, 2023.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,301.
Ayon sa ahensiya, ang mga bagong kaso ay 22 porsiyento na mas mababa kung ikukumpara noong nakaraang linggo o noong Mayo 22-28, 2023.
Sa mga bagong kaso, 77 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang 10 na pumanaw kung saan 3 ay naganap noong Mayo 22 – Hunyo 4, 2023.