Bagong heatwave warning system, inilunsad sa Australia

Bagong heatwave warning system, inilunsad sa Australia

NAGLUNSAD ng bagong heatwave warning system ang Australia.

Mag-iisyu na ngayon ng bushfire style emergency warnings para sa mga heatwave sa buong Australia dahil posibleng ma-overlook ang mga panganib rito.

Ang bagong alert system ay base sa Australian warning system at mayroong tatlong yugto kabilang ang advice, watch and act at emergency.

Ayon sa Western Australia health, ang bagong alerto ay ilalabas sa pamamgitan ng Western Australia emergency website at mga istasyon ng radyo sa bansa.

Mag-iisyu rin ng babala ang Bureau of Meteorology.

Ayon sa isang pananaliksik, ang heatwave ang isa pinakanakamamatay na natural phenomenon sa Australia.

Matatandaan na ang frequency at intensity ng mga heat wave ay tumaasa sa ibat ibang parte ng mundo sa nakalipas na dekada.

Follow SMNI NEWS in Twitter