Bagong hepe ng PH Army, suprtado ang pagsusulong ng mandatory ROTC

Bagong hepe ng PH Army, suprtado ang pagsusulong ng mandatory ROTC

HINDI nagdalawang isip ang bagong talagang commanding general ng Philippine Army na si LtGen. Roy Galido sa pagsuporta nito sa isinusulong na mandatory ROTC sa mga eskuwelahan sa bansa.

Ayon kay General Galido, malaking tulong ito lalo na sa mga kinakaharap na hamon ng bansa sa larangan ng territorial defense nito.

Giit ng heneral, kailangan lang ng sapat na pagpapaliwanag sa mga kabataan para maunawaan nito ang kanilang tungkulin bilang mga kabataan sa kanilang bayan.

Nauna nang nagbigay ng kaniyang pagsuporta ang sinundan nitong pinuno ng Philippine Army na ngayo’y hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si General Romeo Brawner, Jr. para itulak ang implementasyon ng mandatoryong pagsali ng mga kabataang estudyante sa ROTC.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble