LUMAGDA ang Pilipinas at France sa kasunduan para sa 40 high-speed patrol boats—dagdag-puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagprotekta sa karagatan.
Pumirma ng kontrata ang Pilipinas at France para sa pagbili ng naturang high-speed patrol boat nito lang Huwebes, Mayo 22.
Nasa 35 metro ang haba ng mga ito at puwedeng magamit sa iba’t ibang operasyon ng coast guard gaya ng search and rescue, border patrol at marami pang iba.
Pinangunahan ang pirmahan ng kasunduan nina Transportation Secretary Vince Dizon, French Ambassador Marie Fontanel, at PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, kasama ang CEO ng French shipbuilder na OCEA.
Ang naturang acquisition ay bahagi ng PCG Modernization Program na layong mapanatili ang kaligtasan at seguridad sa ating karagatan.
Ang pagbili ng nasabing high-speed patrol boats ay suportado ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at France sa ilalim ng Agreement on Financial and Development Cooperation.