NAGBUKAS ng bagong emergency treatment isolation facility ng COVID-19 ang Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame nitong Martes.
Ito ay upang matugunan ang pangangailangan ng mga kapulisan at kanilang mga dependents na nagpositibo sa COVID-19.
Pinangunahan ni PNP Chief Debold Sinas ang official ceremonial turnover ng nasabing treatment facility na mayroong 96-bed capacity at 16 cubicle shower restroom, donning-doffing area at iba pang amenities na kinakailangan ng mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon pa kay General Sinas na kaparehas din ito sa mga itinayong facilities sa Ultra at PICC.
Dagdag pa ni General Sinas, ang kanilang ginawang pagdaragdag ay kasunod ng payo ni Secretary Carlito Galvez Jr. bilang paghahanda at pagtugon sa pangangailangan ng kapulisan.
Ang pasilidad ay magiging Philippine National Police General Hospital extension COVID ward mula sa dating Kiangan Emergency Treatment Facility ani General Sinas.
Sinabi rin ni Gen. Sinas na matapos ang surge noong Marso, mayroon na lang silang 60-70 percent bed capacity sa kanilang pasilidad.
“As of now if you will be asking ang capacity namin after ng surge ay it ranges to 60-70% capacity and we have 24 beds dedicated for treatment facilities. Yung 24 beds nyan ay wala na po kaming tinitreat doon so ibig sabihin nasa mild status na ang mga patients namin,” pahayag ni Sinas.
Ang mga asymptomatic naman ay i-isolate sa NCRPOs facilities, Ultra, PICC o Nice Hotel, dahil napagkasunduan ng mga police officials at mga doctors asymptomatic lang ang mai-isolate sa nasabing bagong bukas na treatment facility para hindi magka halo-halo.
Mayroon namang sariling consultant ang PNP na mula sa Asian Hotel at Saint Luke’s para tutulong sa pag bigay ng treatment protocols.
“We have our consultant hindi ko lang babanggitin ang pangalan ayaw mag pabanggit but he is an infectious diease expert from Asian Hotel and from Saint Lukes sila po ang tumutulong sa amin, kung ano pong gagawin we use their protocols we use their treatment protocol yun din ang i-adopt naming,” ayon kay Sinas.
Libre rin at wala ng babayaran ang ma i-admit sa nasabing pasilidad kasama na ang mga medical check up, chemo at x-rays upang hindi mahirapan ang mga kapulisan sa kanilang pamamalagi sa treatment facility.
(BASAHIN:Bahay-bahay na pamamahagi ng ayuda mula sa community pantry, suportado ng PNP)