TAMPOK sa bagong itsura ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang mga muebles at disenyo na gawang Pinoy.
Makikita sa Terminal 2 ang mga solihiya panel sa mga pader, muebles at mga lampara.
Mayroon ding mga bagong seating area, tourist information centers, lounging area na may mini-garden, charging stations, waiting areas, mga puno at plant walls sa nasabing terminal.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco, layon nito na ipakita sa mga turista at biyahero kung gaano kaganda ang Pilipinas at gaano ka-talentado ang mga Pilipino.
Matatandaan na pumasok sa isang kasunduan ang DOT at Department of Transportation para pabutihin ang over-all travel experience ng mga bibiyahe sa pamamagitan ng NAIA mula sa sistema hanggang sa kagandahan ng pasilidad.