Bagong jail warden ng Zamboanga, nangakong pagbubutihin ang serbisyo sa mga PDLs

Bagong jail warden ng Zamboanga, nangakong pagbubutihin ang serbisyo sa mga PDLs

NANGAKO ang bagong jail warden ng Zamboanga na si dating Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Supt. Xavier Solda na pagbubutihin niya ang paghahatid ng serbisyo para sa mga taong deprived of liberty (PDL) sa pag-upo niya sa kanyang bagong posisyon bilang jail warden ng Zamboanga City Jail Male Dormitory (ZCJMD).

Ayon kay Solda, higit pa sa mga programa sa reporma at suporta sa patakaran ang kailangan ng PDL sa pangangalaga at pang-unawa.

Aniya malaking hamon ang kinakaharap araw-araw ngunit kung nais na mabago ang buhay ng mga kapatid na nasa piitan, simulan muna ang mabuting pagbabago sa mga sarili at kung paano sila nagsisilbi sa kanila at sa ating mga kababayan.

Samantala ang ZCJDM ay naglalaman ng 2,113 PDL at may 1,006 porsiyentong average na rate ng congestion.

Follow SMNI NEWS in Twitter