BAHAGYANG tumaas ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo.
Sa datos ng Department of Health (DOH), tumaas sa 726 ang COVID-19 new cases kumpara sa 693 noong Sabado.
Sa ngayon, nasa mahigit 8,860 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Aabot naman sa 870 ang kabuuang bilang ng nakarekober habang wala namang naitalang namatay.
Ayon naman sa OCTA, inaasahang makapagtatala ng 400 – 500 na panibagong kaso ngayong araw ng Lunes.