UMABOT sa higit 80,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea.
Sa pangunguna ng Korea Disease Control and Prevention Agency, inihayag nito na patuloy pa rin ang bilang ng hawaan ng COVID-19 sa bansa.
Base sa datos na inilabas ng ahensya, nasa 85,295 ang bagong naitalang kaso sa bansa, kasama rito ang 363 na katao mula sa ibang bansa.
Nakapagtala naman ng kabuuang 26,569 na pagkasawi sa virus ang bansa.
Habang nasa 581 naman ang bilang ng mga taong patuloy na nasa kritikal na kondisyon sa mga ospital.
Sa kabuuan nasa higit 22,900,000 na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa South Korea.