BAGONG liderato magiging mabusisi sa pagtatalaga sa pwesto ng opisyal.
MERITO, kakayahan, at moral ascendancy!
Ito ang magiging basehan ng liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Benjamin Acorda, Jr. sa pagbibigay ng promosyon at pagtatalaga sa puwesto ng mga opisyal ng PNP.
Ayon kay Acorda, magiging mabusisi ang kanilang proseso upang matiyak na karapat-dapat ang opisyal na mailalagay sa partikular na puwesto.
Sa kasalukuyan, miyembro ng Command Group ng PNP sina PNP deputy chief for administration Police Lieutenant Gen. Rhodel Sermonia, PNP deputy chief for operations Police Major Gen. Jonnel Estomo, at chief of the directorial staff Police Lieutenant Gen. Michael John Dubria.
Inaabangan kung may paggalaw sa puwesto ng mga opisyal tulad ng ginawa noon ni dating PNP chief Police Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kung saan kabilang sa balasahan ang kaniyang Command Group.