Bagong mga opisyal ng LTO, PPA at MARINA, pinangalanan na –DOTr

Bagong mga opisyal ng LTO, PPA at MARINA, pinangalanan na –DOTr

INANUNSYO ng Malacañang ang pagtatalaga ni Pangulong ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ng mga karagdagang opisyal para sa iba’t ibang sangay ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa Palasyo, ito ay sa Land Transportation Office (LTO), Philippine Ports Authority (PPA), at sa Maritime Industry Authority (MARINA).

Kasabay nito, pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista sa pamamagitan ng isang Zoom ang panunumpa sa puwesto ng mga itinalagang opisyal.

Si Kim Robert de Leon ay itinalaga bilang DOTr Undersecretary for Administration, Elmer Francisco Sarmiento naman bilang Undersecretary para sa Maritime Sector.

Habang si  Atty. Timothy John Batan bilang Undersecretary for Planning & Project Development, LTO Assistant Secretary naman si Atty. Teofilo Guadiz III.

Si Carlito Castillo bilang PPA Assistant General Manager for Engineering at Francisquiel Mancile bilang PPA Assistant General Manager for Operations.

Bago rito, nanumpa na rin si Atty. Hernani Nieves Fabia bilang Administrator ng MARINA.

Mababatid na si De Leon ay nanguna sa 2016 Environmental Planning Licensure Exam at nagserbisyo rin bilang Undersecretary ng Department of Budget and Management.

Si Sarmiento ay 37 nagtrabaho sa Royal Cargo kung saan siya ang presidente at CEO ng isang local specialized logistics solutions.

Habang si Batan naman ay ang dating  DOTr’s Usec for Railways sa ilalim ng Duterte administration at dating LTO Regional Director naman si  Atty. Guadiz III.

Dating PPA manager ng Port Construction & Maintenance si Castillo habang si Mancile ay nagserbisyo bilang  PPA Port manager mg PMO Marinduque at Quezon.

Si Fabia ay naging presidente ng PNTC Colleges, isang seafarers training facility na nakabase sa Cavite at Quezon City at ito ay may 38 taong karanasan sa industriya ng maritime.

Sa gitna nito, pinaalalahanan naman  ni Sec. Bautista ang mga opisyal na sikaping tuparin ang naging marching order nang Pangulong Marcos nitong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes na dapat ipagpatuloy ang modernisasyon ng transport system ng bansa.

Follow SMNI News on Twitter