Bagong NBI director, manunungkulan simula ngayong araw

Bagong NBI director, manunungkulan simula ngayong araw

PORMAL nang nailipat ni Director Menardo de Lemos ang liderato sa National Bureau of Investigation (NBI) sa bagong director na si Jaime Santiago.

Kaninang 10:00 am, isinagawa ang turn over ceremony sa headquarters ng NBI sa Araneta Avenue sa Quezon City.

Si Santiago ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong nakaraang linggo matapos pansamantalang na-extend ang termino hanggang sa tuluyan nang nagretiro si De Lemos.

Sa naunang pahayag ni Santiago, sinabi niya na tututok ang kaniyang liderato sa pagpapabilis ng proseso ng NBI Clearance at sa pagpapalakas ng paglaban sa cybercrime.

Si Santiago ay dating pulis-Maynila, naging abogado, piskal at naitalaga bilang Manila Regional Trial Court (RTC) judge.

Follow SMNI NEWS on Twitter