PERSONAL na pinasinungalingan ng bagong talagang NCRPO Chief PMGen. Sidney S. Hernia ang alegasyong ipinapahid sa kaniya na may kaugnayan sa isyu ng extortion.
Kasunod ng isinagawang raid sa ika-23 palapag ng Century Peak Tower sa Maynila nitong nakaraang linggo kung saan nahuli ang 69 dayuhan na sinasabing pinalaya rin dahil sa kawalan ng kasong isinampa laban sa mga ito.
Ani Hernia, walang katotohanan ang mga alegasyong ito at bukas sila sa anumang imbestigasyon kaugnay sa operasyon.
Nauna na ring sinabi ng PNP National Headquarters na legal ang operasyon sa Century Peak Tower dahil sa reklamong pugad ng scam ang tanggapan ng Vertex Technology na napag-alamang nagpalit ng pangalang Quantom Solutions.
Magugunitang kinuwestiyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang operasyon ng PNP ACG at NCRPO sa nasabing gusali dahil sa kawalan anila ng koordinasyon sa kanila gayong wala naman anilang kinalaman sa Trafficking in Person ang operasyon kundi paglabag lamang sa Anti Cybercrime Act.
Tinguriang ‘mother of all scam hubs’ ang niraid na Vertex Technology sa Maynila.
”The allegations arose following the recent PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) raid at Century Peak Tower in Ermita, Manila, targeting online scammers and illegal POGO operations. The raid, which has been referred to as an action against the “mother of all scam hubs,” was executed by the PNP-ACG under cyber warrants, as previously clarified by PNP Chief, Gen Rommel Francisco D. Marbil,” saad ni PMGen. Sydney Hernia, Regional Director, NCRPO.
“I will not tolerate any wrongdoing within our ranks, and I firmly urge the accusers to substantiate their claims in the proper forum. The NCRPO fully welcomes any investigation into this matter, as it will provide a great opportunity to prove the regularity and legality of our actions,” aniya.
Follow SMNI News on Rumble