Bagong online system para sa travel clearance ng mga menor de edad, ilalabas na ng DSWD

Bagong online system para sa travel clearance ng mga menor de edad, ilalabas na ng DSWD

MAGLALABAS ng bagong online system ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong February 18, 2025 para sa mga menor de edad na nais bumiyahe sa ibang bansa.

Ang naturang bagong online system ay magiging daan upang mas mapadali ang proseso ng pag-aaplay at pagbibigay ng travel clearance sa mga menor de edad.

Sa naturang sistema ay hindi na kailangang personal na magsumite ng mga dokumento sa mga tanggapan ng DSWD.

Magtatagal na lang din ng isa hanggang tatlong araw ang processing time ng travel clearance.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble