Bagong pasilidad ng Special Forces Regiment, pinasinayaan sa Nueva Ecija

Bagong pasilidad ng Special Forces Regiment, pinasinayaan sa Nueva Ecija

PINANGUNAHAN ni Senador Jinggoy Estrada ang inagurasyon ng dalawang palapag na gusali para sa Special Forces Regiment (Airborne) o SFR (A) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Ayon kay SFR (A) Commander Colonel Ferdinand Napuli, ang bagong gusali ay gagamitin bilang administrative building ng kanilang headquarters.

Itinayo ang gusali sa pamamagitan ng Convergence Program ng Department of National Defense (DND) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS).

Sa mensahe ni Estrada, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, tiniyak niya ang suporta sa AFP Modernization Program upang mapagbuti ang pagprotekta sa bansa.

Maliban sa inagurasyon, sinaksihan din ni Estrada ang capability demonstration ng Special Forces Operators kabilang na ang skydiving at sniping.

Follow SMNI NEWS in Twitter