Bagong Port Operations Building ng PPA sa Masbate, bubuksan na

Bagong Port Operations Building ng PPA sa Masbate, bubuksan na

NAKATAKDANG pasinayaan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mas pinalaki at modernong Port Operations Building (POB) nito sa Port of Masbate ngayong araw, Marso 8, 2023.

Mula sa 100 pasaherong kapasidad ay papalo na sa 542 na pasahero ang kayang maserbisyuhan sa bagong POB anumang oras na mayroon pang modernong pasilidad tulad ng charging station, prayer room, mas pinalaking breastfeeding room at all gender na palikuran.

Kasabay rin na pasisinayaan ang bagong gawang transit shed sa pantalan na may sukat na 1000 sqm at inaasahang makadaragdag sa income generation sources ng Port Management Office.

Ang pagbuo sa mga nabanggit na pasilidad ay isinakatuparan sa layunin ng PPA na bigyan ng mas maayos at mas komportable paglalakbay ang mga pasaherong bumabiyahe sa pamamagitan ng Port of Masbate.

Follow SMNI NEWS in Twitter