ILALABAS ng Philippine Post Office (PHLPost) ang bagong postage stamps bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr Jose Rizal bukas, Disyembre 30.
Ang tema ng anibersaryo ng Araw ni Rizal ngayong taon ay “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan at Buhay”.
Isinilang si Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas, sa bayan ng Calamba, Laguna noong Hunyo 19,1861.
Lumaki si Rizal bilang isang napakatalinong mag-aaral at tumanggap ng panalo sa mga kompetisyon sa larangan sa literatura mula pa sa pagkabata.
Kilala si Rizal sa dalawang sikat na nobela nito ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na siyang naging inspirasyon ng Philippine revolution.
Ang mga nasabing stamp ay naglalarawan ng kanyang buhay, gawa, kabayanihan, at tampok din ang kanyang angking pagmamahal at pag-ibig para sa mga Pilipino at sa bansa.
Hinangaan si Rizal dahil sa angkin nyang talino bilang isang doktor, siyentista, at linguista.
Sa pamamagitan ng kanyang mga komposisyon, naimulat nito ang diwa ng nasyunalismo ng mga Pilipino.
“Filipino talents and ingenuity should be recognized around the world. Rizal’s sheer determination to achieve his goals to succeed should serve as an inspiration to Filipinos, especially the youth. Therefore, we should emulate the traits and ideas of our national hero,” pahayag ni Postmaster General Norman Fulgencio.
“The post office is now recognizing the talent and industry of the Filipinos here and abroad in pursuit of excellence and distinction in their work or profession by issuing stamps to honor artists, sports personalities, musicians and scientists, as well as other national and international figures, both living and posthumously,” dagdag ni Fulgencio.
Inimprinta ng PHLPost ang 40,000 kopya ng nasabing mga stamp na dinisenyo ng in-house graphic artist na sina Israel A. Viyo at Eunice Dabu.
Ang Rizal martyrdom stamp ay mabibili sa halagang P12.00 bawat isa sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office.