Bagong provincial director ng Surigao del Sur, umupo na sa pwesto

Bagong provincial director ng Surigao del Sur, umupo na sa pwesto

PORMAL nang umupo si Police Colonel Dennis Siruno bilang bagong provincial director ng Surigao del Sur Police Provincial Office (PPO).

Isinagawa ang turn-over ceremony sa Surigao del Sur PPO Multi-Purpose Hall.

Isinalin din ni Police Colonel Joseph Boquiren, hepe ng Regional Personnel and Records Management Division kay Siruno ang office symbol, office property at inventory book sa nasabing aktibidad.

Si Siruno ay dating provincial director ng Dinagat Islands PPO.

Umaasa naman si PRO 13 Regional Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. na paiigtingin ni Siruno ang programa sa kapayapaan at kaayusan at paglaban sa droga at iba pang krimen sa lalawigan.

Follow SMNI NEWS in Twitter