NANGAKO ang bagong itinalagang Philippine Sports Commission (PSC) chairman Nole Eala na magkakaroon ng magandang pagbabago ang kanyang termino para sa Philippine Sports.
Sa kanyang unang araw bilang pinuno ng sports body ng bansa, inilahad ni Eala ang plano nitong ipagpatuloy at isulong ang momentum ng bansa sa sports sa nakalipas na mga taon.
Ani Eala, gagawin niya ang kanyang tungkulin sa PSC na gumawa at isulong ang sports hanggang sa laylayan ng lipunan bilang paraan upang magka-isa ang bansa at masiguro na todo at mas pina-ayos na suporta para sa mga national athletes.
Plano rin ng dating PBA commissioner na ipagpatuloy ang mga nailatag nang programa ni dating PSC chief Butch Ramirez habang ipinapanukala ang mga programa na kapareho ng “Gintong Alay” Program na ginawa sa ilalim ng panunungkulan ni dating President Ferdinand Marcos Sr.