Bagong requirement ng UAE sa mga OFW, isang karagdagang hamon

Bagong requirement ng UAE sa mga OFW, isang karagdagang hamon

BONUS OFFER

DAGDAG hamon para sa mga Pilipinong manlalakbay partikular na sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang bagong patakaran ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE).

 

Ito ang pahayag ni Allan Nepomuceno, Chairman ng Airline Operators Council at station manager ng Etihad Airways, matapos ipatupad ng UAE na kailangang magpapakita ng negative PCR certificate ang mga OFW bago makalipad patungo sa kanilang bansa.

 

Sa nakaraang mga araw ay daan-daang OFWs ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bagong patakaran ng UAE government.

 

“I could say around 300-500 passengers na po ang apektado. And sa mga apektado, meron na pong mga pasahero na  kumuha naman po ng PCR Test. But we understand that there are some challenges in implementing this,” ayon Nepomuceno.

 

Aniya,  isa ang Pilipinas sa labing-dalawang bansa na hinihingian ang mga manlalakbay ng PCR Test ng UAE government.

 

“Kasi ganito ,pinili o in-asses ang mga bansa labing-dalawa po tayo napasama po tayo kasama natin ang India ,Pakistan ,at iba pang mga bansa,” pahayag ni Nepomuceno.

 

Naiulat mula sa Emirati Health at Aviation Agencies ang negative PCR certificate ay hinihingi lamang sa mga bansa na may high risk.

 

Kabilang sa mga bansa na may high risk ang Afghanistan, Bangladesh, Egypt, India, Iran, Nigeria, Pakistan, Philippines, Russia, Sudan, Tanzania, at Estados Unidos.

 

Infinix

Nilinaw din ni nepomuceno na maaring namang mag-rebook ng kanilang flight ang mga pasahero sakaling wala pa ang resulta ng kanilang COVID -19 Test.

 

Sa kasalukuyan ang Etihad Airways ,Cebu Pacific at Philippine Airlines ang mga air carrier na may biyahe na patungong UAE partikular na sa rutang Abu Dhabi at Dubai.

 

Samantala pinapayuhan naman ng PAL ang mga mananakay na suriin muna ang travel requirements ng mga bansang pupuntahan bago mag booking ng kanilang flight.

 

“We urge all travelers to check travel requirements of their country-of-destination before booking for a flight. To know the latest travel requirements, passengers may visit www.philippineairlines.com, inquire from our reservation agents via PAL hotline 8855 8888 or our ticketing agents in the nearest PAL ticketing office,” Cielo Villaluna, spokesperson ng Philippine Airlines

 

Iginigiit naman ng Airport Operators Council na hindi paliliparin ang mga pasaherong patungong UAE kung walang negative PCR certificate

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.