Bagong resulta ng election survey, hindi ikinababahala ni Ka Leody de Guzman

Bagong resulta ng election survey, hindi ikinababahala ni Ka Leody de Guzman

HINDI nababahala si presidential aspirant at labor leader Ka Leody de Guzman sa kabila ng pagiging dulo nito sa pinakahuling resulta ng presidential survey.

Nangako naman si Ka Leody na dodoblehin ang pagkayod ng partido nito upang makaabot sa mga manggagawa.

Base sa Pulse Asia survey, nasa ika-9 sa 10 presidential bets si De Guzman na nakakuha lamang ng 0.2 percent sa boto ng mga respondents.

Ani De Guzman, hindi sila apektado ng resulta ng mga survey ngunit asahan ng publiko na dodoblehin o tri-triplehin pa ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ang kanilang pagsisikap.

Aniya, aabutin nila ang pinakamalaking bilang ng manggagawa’t masa na sawang-sawa na sa isang kahig isang tukang buhay.

Sinabi rin ni De Guzman na may limitasyon ang mga survey dahil aniya ay base lamang ito sa nagbabayad na politiko na nagbabantay ng kanyang mga katunggali.

Aniya, walang milyones ang PLM upang ipambayad sa mga survey.

BASAHIN: “Sobrang taas na agwat” ng presidential frontrunner, ngayon lang naranasan ng Pulse Asia survey

Follow SMNI News on Twitter