Bagong ruta ng Philippine Airlines na Manila-Cauayan, bukas na

Bagong ruta ng Philippine Airlines na Manila-Cauayan, bukas na

MAGANDANG balita para sa mga biyaherong patungong Isabela! Mas mapapadali na ang pagbiyahe dahil sa bagong ruta ng Philippine Airlines (PAL) mula Manila patungong Cauayan, Isabela, at vice versa.

Matapos ang mahigit limang taon, mas marami nang opsiyon ang mga biyahero.

Para kay Eliezer, na galing pa sa San Francisco, isang malaking ginhawa ang direktang flight patungong Cauayan, Isabela.

“Oh I’m glad because this is my first time, I’m just came from San Francisco.”

“I’m glad because we have already direct flight to Cauayan, so it’s our convenient,” ayon kay Eliezer Rivera, Pasahero.

Ganoon din ang karanasan ni Jeanette na galing Canada.

Dati’y bus ang kaniyang sinasakyan patungong Isabela, ngayon ay mas komportable na ang pagbiyahe niya.

“Kasi kung minsan, Philippine Airlines dere-deretso na ‘yung flight, hindi na ‘yung katulad na magbo-booking pa ako ng Cebu Pacific o kung anong airlines papunta Cauayan, so the cost is more affordable ang cost ng flight pauwi ng Isabela,” wika ni Jeannette, Pasahero.

Araw ng Miyerkules, pormal nang binuksan ng Philippine Airlines ang bagong Manila-Cauayan-Manila route.

Ang unang biyahe ay umalis ng NAIA Terminal 2 ng 1:25 PM at isang send-off ceremony ang isinagawa na dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno at stakeholders sa aviation.

Ayon kay PAL President and Chief Operating Officer Captain Stanley Ng, nag-aalok ang bagong ruta ng araw-araw na biyahe para sa mga turista, negosyante, at pamilya.

Pinapalitan nito ang mahigit 10 oras na biyahe sa pamamagitan ng by land.

“We’ve been connecting naman sa Local Government in Isabela, sila Governor sila Mayor para matulugan pa ang province ng Isabela na more convenient travel,” saad ni Capt. Stanley Ng, CEO/President, PAL.

Handa na rin ang PAL sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero dahil sa mga paparating na festival sa Isabela, tulad ng Bambanti at Gawagaway-yan.

Para kay Cauayan City Mayor Caesar “Jaycee” Dy, Jr., malaking tulong ang bagong ruta sa paglago ng ekonomiya ng kanilang lungsod at lalawigan.

Matagal na ring hinihingi ng mga residente ang dagdag na flight patungong Cauayan.

“Actually, we’ve been requesting this flight na madagdag, actually hindi lang ako pati na rin the past Mayor Ambassador Dy, ay matagal na pong nagre-request na madagdagan ng flights to our city, one because of usually fiestas not just sa city namin but the other town and other cities that we cater doon sa Cauayan City,” pahayag ni Mayor Caesar “Jaycee” Dy, Jr, Cauayan City, Isabela.

Ang bagong ruta ay may araw-araw na biyahe mula Manila (NAIA Terminal 2) patungong Cauayan at pabalik.

Aalis ang eroplano ng 1:25 PM mula Manila at darating ng 2:30 PM sa Cauayan.

Ang biyahe pabalik ay aalis ng 3:25 PM mula Cauayan at darating ng 4:40 PM sa Manila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble