PASADO sa ‘wheelchair test’ ang bagong sidewalks ng Pasig City ayon kay Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Sotto na mas madaling maglakad sa mga ipinapagawang mga sidewalk dahil mas patag at mababa ang mga ito.
Dagdag ng alkalde na nasa P500,000 per 100 meters x 2 sides ang stamped concrete sidewalk kasama ang bollards at drainage line improvement.
Paglalahad naman ni Sotto na may ilang challenge areas sa Pasig dahil may mga poste sa ibang sidewalk na hindi basta puwedeng tanggalin at may mga lugar na manipis ang daanan.
Pero aniya ito na ang direksiyon ng LGU para sa isang pedestrian-friendly Pasig.