VALKYRIE blood transfusion o sa madaling sabi human blood bank ang bagong survival skills na nakuha ngayon ng mga miyembro ng Philippine Marine Corps katuwang ang US Marines sa mismong headquarters nito sa Taguig City.
Ang nasabing kasanayan, ay mahalaga para agapan ang mga pagdurugo at maiwasan ang pagkawala ng buhay ng mga kasamahang sundalo sa gitna ng isang giyera o pakikipaglaban.
“The goal of the training is TC3 to equip our personnel and responder with the skills and knowledge and they can provide medical care in a combat or high threat environment. May mga key objectives ang TC3 that is first to save lives how? By reducing or prevent the combat related deaths by providing lifesaving interventions right there in the fields,” wika ni Col. Grace Marie V. Garcia, Surgeon, Philippine Marine Corps.
“This would be like in a situation where we are away far from advance medical care then we would wanna do that just to help that patient alive,” ayon kay LCdr. Katie Cole, Aerospace Medicine Specialist, US Marine Corps.
“Typically, our cut off for that training is 36 minutes. So, they have to be able to keep blood from another patient’s donor and get into that patient in that time frame and it’s a best time window to maximize somebody’s survival if they lost a lot of blood,” dagdag ni Cole.
Aminado naman ang mga Pilipinong sundalo na malaking bagay ito sa kanilang mga pagsasanay ngayong pinaghahanda sila ng pamahalaan sa mga posibleng paparating na banta mula sa labas ng bansa.
Pero paglilinaw ng Philippine Marines, ang kasalukuyang pagsasanay nila ay nakatuon lamang sa medical emergency response hindi lang para sa mga sundalong Pinoy kundi maging sa mga karatig na bansa na nangangailangan ng tulong ng mga Pilipino.
“Ang mga exercises na ganito are design to improve our interoperability and we share the best practices natin and then strengthen also partnership that in the long run we can be like contribute to the regional stability and security sa Asia Pacific Region while these activities will undoubtedly enhance improve our preparation or preparedness for any eventuality or scenarios and this is not specifically directed to any particular conflict,” pahayag ni Col. Grace Marie V. Garcia, Surgeon, Philippine Marine Corps.
Matatandaang hindi pa rin humuhupa ang tensiyong namamagitan sa Pilipinas at China dahil sa usapin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Pero sa panig ng pamahalaan, nananatili silang nakatutok sa pagpapatupad ng maximum tolerance laban sa China sa kabila ng paulit-ulit na pambubully na nararanasan nito sa loob mismo ng pag-aaring karagatan ng bansa.