Bagong tourist attraction sa South Cotabato, bubuksan sa Lake Sebu

MAGBUBUKAS ng isang bagong tourist attraction ang Lake Sebu sa South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Senior Tourism Operations Officer Argie Asaria, kasalukuyan pang inihahanda ang soft opening ng Lake Lahit Water Park at recreation bunsod na rin sa new normal.

Nakapaloob sa nasabing tourist attraction ang ilang water sports at adventure activities gaya ng kayaking, water bike riding at ang owong o ang traditional Tboli canoe.

Maaari ding mag-fishing sa lawa o magsagawa ng trekking at sightseeing ang mga magiging guests.

Dagdag pa ni Asaria, may restaurant din sa lugar kung saan iba’t ibang tilapia dishes ang kanilang inaalok.

Ani Asaria, bubuksan ang tourist attraction ng mas maaga kumpara sa naunang plano nitong pagbubukas sa Abril.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.