ININSPEKSIYON na ng Commission on Elections (COMELEC) ang venue na pagdarausan ng paghahain ng kandidatura para sa pagka-senador at party-list.
Isang linggo na lamang ay bubuksan na ng COMELEC ang certificates of candidacy (COC) filing o ang paghahain ng kandidatura para sa 2025 National and Local Elections.
Sa inspeksiyon ay sinabi ni Chairman Atty. Garcia na magkaroon ng sapat na seguridad sa filing area at may limitasyon sa mga papasok sa loob.
Ang Manila Hotel na ang bagong venue ngayon ng COMELEC para sa paghahain ng COC sa mga tatakbong senador at party-list sa 2025 matapos magsara na ang SOFITEL na naging venue ng filing simula noong nagkaroon ng pandemya.
Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, idinaan din sa bidding bago mapili ang Manila Hotel.
Sa The tent ng Manila Hotel ang filing area.
May station para sa media, sa mga empleyado ng COMELEC, security personnel at may help desk din.
May coffee at buffet station pa.
Lalatagan ng red carpet ang filing area para maging presentable.
Senatorial aspirants, maari lamang magdala ng tatlong kasama sa paghahain ng kandidatura
Isang araw bago ang pagbubukas ng filing ay papayagan na ang media na makapagset up maging ang mga personnel ng COMELEC.
Lilimitahan ang mga puwedeng makapasok para matiyak na magiging maayos ang filing.
Ang mga aspirant sa pagka-senador at party-list ay maari lamang magdala ng tatlong kasama sa paghahain ng kandidatura sila may incumbent o hindi.
Ang mga supporter ng mga ito ay hindi maaring pumasok sa loob ng hotel bilang bahagi ng security measures ng COMELEC.
Ang mga aspirant hindi umano mapipigilan ng COMELEC sakaling may gagawing gimik sa paghahain ng kandidatura pero.
Ang filing ay magsisimula sa Oktubre 1-8.
Ang mga aspirant ay maaring mag-file mula 8 AM – 5 PM.
Walang bayad ang paghahain ng kandidatura ayon sa COMELEC.