Baguio City, binuksan ang 24/7 hotline para sa assistance ng mga turista

Baguio City, binuksan ang 24/7 hotline para sa assistance ng mga turista

BINUKSAN ng City Tourism ng Baguio City ang 24/7 hotline para sa assistance at mga katanungan ng mga turista na gustong bumisita sa summer capital ng bansa.

Ayon kay Engr. Aloysius Mapalo, City Tourism Officer nitong Martes, maaari nang makipag-ugnayan sa 24/7 na hotline number (074) 446-2009) para sa lehitimong beripikasyon sa mga transaksyon sa kliyente.

Maaari ding tumawag o mag-text sa 0956-572-9097 (7 am – 4 pm); 0956-572-9093 (2 pm -11 pm); 0956-572-9094 (10 pm – 7 am) para sa mga katanungan ng turista upang masiguro kung legal ang mga transaksyon.

Dagdag ni Mapago, pumunta at i-checked ang online tourist info site na visita.baguio.gov.ph.para sa listahan ng mga accommodation establishments (AEs).

Samantala, nagpaalala ang City Tourism Office na iwasang mabiktima ng mga iligal na service provider at mga scammers.

Palaging kunin ang kopya ng mga business permits at mga resibo na maaaring ma-verify.

At tiyakin na ang taong kausap ay konektado sa idineklarang legal na negosyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter