Baguio City, nakapagtala ng unang kaso ng MPOX

Baguio City, nakapagtala ng unang kaso ng MPOX

KINUMPIRMA ng Baguio City Health Services Office ang unang kaso ng MPOX sa lungsod.

Ang pasyente ay isang 28-taong-gulang na lalaki na nahawaan ng Clade II MPOX Virus.

Sinabi naman ng Baguio City Health Services Office na nakumpleto na ng pasyente ang kanyang isolation at idineklarang gumaling noong Enero 17, 2025.

Kabilang sa mga sintomas ng MPOX ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pamamaga ng kulani, at mga pantal na nagiging paltos.

Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa balat o likido mula sa sugat ng may impeksyon, respiratory droplets, o mga kontaminadong bagay.

Upang maiwasan ito, mahalaga ang tamang kalinisan, pag-iwas sa malapitang kontak sa mga may sakit, at pagsunod sa mga protektibong hakbang tulad ng pagsusuot ng mask at maayos na bentilasyon.

At bilang ama ng lungsod, nanawagan si Mayor Benjamin Magalong sa publiko na sumunod sa mga health protocol upang hindi mahawaan ng virus.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble